Friday, September 6, 2013

NAKAALARMANG PAGKALAT NG MGA "SEX VIDEOS" NG MGA KILALANG PERSONALIDAD
Naalarma na ang mga lider ng simbahang Katoliko hinggil sa mga kumakalat na "Sex Videos" ng ilang mga kilalang personalidad sa larangan ng pag-aartista.

Ayon kay Father Conegundo Garganta ng samahang kabataan o youth ministry ng simbahan, ang mga ganyang uri ng mga kumakalat na "sex videos" ay hindi magandang halimbawa lalong-lalo na sa mga kabataan. Ang mga ganitong uri ng ginagawa ay tanda ng kakulangan sa moralidad, dagdag ni Garganta sa kanyang sinabi.

Nitong nakaraang linggo, kumalat sa Youtube ang 'di umano'y sex video ng komedyanteng si Wally Bayola  at ang Eat Bulaga dancer na si Yosh. Noong nakaraang linggo naman ay may kumalat na ding isang sex video nina Neri Naig at ng kanyang kasintahang at bokalista ng isang kilalang banda na si Chito Miranda.

Para naman kay Father Melvin Castro, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Family and Life, ang mga ganitong uri ng ginagawa ay talagang nakakabahala't nakakalungkot dahil mataas ang tingin sa kanila ng mga kabataan at dapat maging isa silang ehemplo o role model sa kanilang mga manonood o tagasubaybay sapagkat ang ating kapaligiran ay ika nga'y "Celebrity-Obsessed society".

Ayon naman kay Hepe ng Public Attorneys Office, Persida V. Rueda Acosta, na huwag ng i-record ng mga celebrities ang kanilang sekswal na ginagawa upang maiwasan ang pagkalat nito. Sinabi rin niya na ang mga mahuhuling lalabag dito ay maaaring makulong ng tatlo hanggang pitong taon at pagmumultahin ng P100,000 hanggang P700,000 sa kadahilanang paglabag sa Republic Act 9995 o ang Anti-Voyeurism Law. "Ang RA 9995 ay sadyang proteksyon ng mga kababaihan, lalo na kapag sila'y inaabuso ng kanilang sexual partner." Dagdag ni Acosta.

Fact News.

No comments: