Friday, September 6, 2013

KAUNA-UNAHANG UNTV CUP, NAGSIMULA NA

Nagsimula na ang kauna-unahang UNTV Cup sa pangunguna ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon kasama ang isa sa mga malalaking pangalan sa larangan ng basketball na si Atoy Co kamakailan sa loob ng napakalaking Smart-Araneta Coliseum.

Ang naturang kompetisyon ay nagsimula sa pamamagitan ng pag-awit ng pambansang awit sa pangunguna ni Shanne Velasco. Matapos nito, ilang mga bilang ang inihandog para aliwin ang mga manonood at kasama sa mga nagbigay ng aliw ay ang dalawang anak ni Kuya Daniel. Kasama din sa mga nagbigay ng bilang ng presentasyon ay ang pag-awit nina Gian Magdangal, Gretchen Espina, Faith Cuneta at dating bokalista ng Rivermaya na si Jayson Fernandez.

Matapos ang ilang presentasyon, isa-isa nang ipinakilala ang mga koponang kalahok sa naturang kompetisyon. Kinabibilangan ito ng koponan ng AFP, DOJ, Judiciary, MMDA, Philhealth, PNP at Congress/LGU. May mga artista ring kabilang sa kompetisyong ito na gaya nina Jao Mapa, Michael Flores, Onyok Velasco at ang Legazpi brothers. Matapos ang pagpapapakilala, ay agad nang pinili kung sino ang unang maghaharap para sa kampyonato, at ang unang dalawang grupo ay ang Armed Forces of the Philippines o AFP at ang Department of Justice o DOJ na maghaharap sa apat na pung minutong bakbakan sa loob ng court.

Hindi naman magkamayaw ang mga manonood sa paghiyaw sa tuwing makakapagtala ng puntos ang magkabilang grupo. Ang kanilang paghiyaw ay sumisimbolo sa kani-kanilang suporta sa magkabilang-grupo. Sa laban, tinambakan ang DOJ ng koponang AFP ng ilang puntos na umabot sa apat na pung kalamangan. Sa huling sampung minuto, hindi na naihabol pa ng DOJ ang kanilang naiiwang iskor sa nangungunang iskor ng AFP at natapos ang laro sa pinal na iskor na 117-71.

Straight News.

No comments: